Marso na naman. Ibig sabihin, madagdagan na naman ang edad ng pinakapaborito naming nars. Isang nars na kailanman di kami iniiwan may sakit man o wala. Hanggang ngayon patuloy pa rin kanyang ang pag-aruga sa amin at laging inuuna ang kapakanan ng iba kesa sa sariling pangangailangan. Hindi kilalang tao ang tinutukoy ko, pero para sa amin, siya ang pinakadakilang nars na nakilala namin. Ngayong araw ay magpipitumpung apat na taon na siya. Bata pa ano? Hayaan niyo muna kaming batin siya ng Maligayang Kaarawan, Inay!
Parang kelan lang nung kami ay karga-karga mo pa, ngayon ay mas malaki na kami sa iyo. Dapat lang na mas malaki na kami, mahigit ng tatlumpong taon ang nakalilipas nung kami ay di pa marunong magsuot ng salawal. Minsan nga, kargahin mo kami uli. Naalala ko din na ikaw lagi ang pumupunta sa mga meetings sa paralan kasi mahiyain si Papa.
Isa sa lagi nating pinagtatawanan ngayon tuwing nagsasama-sama tayo sa mesa ay yung lagi mong bilin sa akin na huwag siyado kumain ng baboy kapag nasa Japan ako, pero pag nasa Pinas ako, iba't-ibang putahe ng baboy ang ihinahain mo.
Ngayon kami muna ang magiging nars mo kasi medyo kailangan mong umiwas sa madaming pagkain na nakaka allergy sa iyo. Masarap kumain kaso huwag muna matigas ang ulo. Alam ko naman na masunurin ka kaya hindi na din ako masyadong mag-alala. Pero hayaan mo kaming mag-alala sa iyo. Kung tutuusin kulang pa to sa lahat ng mga nagawa mo sa amin.
Maligayang ika-74 na kaarawan Ma! Bata ka pa! Palangga ka namon!
totomai at dorb
Hanggang sa muling pagjajacklord
03/01/2011