Tuesday, January 26, 2010

Limot

May isa pa pala akong blog. Parang may Alzheimer’s lang e no. Di ko naman talagang nakalimutan e, nawalan lang ng oras para makagawa ng isang salaysay. At bago pa mabaon sa limot ang Nalalabing Hibla, buti na lang may mga kaganapan na kaaya-ayang isulat – ang pag-alis ng mga kaibigan ko ng Japan. Nakagawa na ako ng blog sa Distilling Thoughts ukol dito pero gagawin kong mas personal ang atake sa Hibla. Di naman siguro magiging pahina ng pamamaalam ang Hibla. Ang huli kong sinulat dito ay tungkol din sa pag-alis ng isa kong kaibigan. O baka sa sunod ako na ang aalis ng Japan. Ha ha!

Bukas na pala aalis si Meema. Pupunta siya sa Tate para makapasok sa strip club. Ayaw daw niya sa Japan. Pwera biro, pupunta siya doon para mag-aral. Mag mamasteral siya, malamang in belly dancing. Ha ha. Pasensiya at di ko alam talaga ang kursong papasukan niya e, o malamang nabanggit niya na pero nakalimutan ko naman. Pero yung naalala ko ang unibesidad na papasukan niya ay may pagka vegetarian. Di lang yata ‘may pagka’, vegetarian yata talaga. Sa madaling salita, puro damo ang kakain ni Meema. Sarap naman. Matagal ko ng kakilala si Meema pero nung Oktubre 2008 lang kami nagkita at naging malapit sa isa’t-isa nung Marso 2009. Kasalanan ng plurk to. Siyempre di ko makakalimutan ang medyas niya na lamapas tuhod. Ha ha. Pero isa si Meema sa pinakamabait na nakilala ko dito sa Japan, siya ang pinakahuli kong naging anak dito. Sa baba nito ang video na nakita mo nung farewell party, at para di mo kami makalimutan, post ko to uli. Pag nalulungkot ka, lagi mo lang tandaan na andito lang kami. Ikaw naman andiyan.

meema from jacklord in japan on Vimeo.

Pagkatapos ng isang linggo. Aalis na naman si Winston. Sasali yata siya sa Panagbenga, di ko lang alam kung bilang isang mananayaw o maniniyot. O pede na din pagsabayin. Agosto 2008 nakilala ko tong batang ito na akala ko dati ay isang malaking mama dahil sa baril na hawak niya sa isa niyang litrato. Bata man tong tingnan pero may pagka manong na mangaral. Mangarrrrrrrral. Di ko din alam kung ano talaga plano nito sa buhay. O sadyang nakalimutan ko lang, sensiya tao lang. Baka mag-aral din daw siya, o kung di makapag-aral babalik sa Japan uli. O di kaya uuwi para mag-audition sa pelikula ni Michiko. Ha ha. Paborrrito niyang isingit sa usapan ang tae. Ewan ko dun bakit aliw na aliw siya sa tae, di naman niya kaamoy. Mas gusto niyang manatili sa bahay niya kung weekend, ika nga, quality time is porrrn time. Kasalanan ni Hayden Kho at Katrina Halili ang lahat. Namulat sa kamunduhan si Winnie. Gaya ng nasabi ko kay Meema, lagi mo din panoorin ang video na to. Bagal pala ang net sa Pinas.

winnie from jacklord in japan on Vimeo.

Sa inyong dalawa, saan man kayo mapadpad lagi ninyong tandaan na may mga kaibigan kayong naiiwan, nag-aantay ng Christmas card, Valentines card at kung ano ano pa. Pwede din perrra. Ha ha. Biro lang yun uy, kung totohanin niyo wala kaming magagawa kundi tanggapin na lang. Kita kita uli sa net, mapa webcam man o mapa facebook. O mapa plurk.

meema and winnie from jacklord in japan on Vimeo.

Maraming salamat sa lahat. Huwag makalimot. Pagnakalimot kayo, wala lang, nakalimot lang kayo.

Hanggang sa muling pagjajacklord

totomai
01/26/10