Wednesday, March 20, 2013

Photo-Po-Yan

PHOTO-PO-YAN. Iyan ang pangalan ng aming maliit ngunit masigla na grupo ng mga maniniyot.  In English, THAT-IS-PHOTO-po. Sobrang magalang. Pangalan namin ay mula sa salitang ugat na photo. Iba iniisip mo ano? . Kung papahabain, ang ibig sabihin niyan ay Pinoy Photog’s Tambayan Sa Japan.  Huwag mo nang pag-aralan kung medyo hindi tugma ang mga letra, mauubusan ka lang ng hibla sa dibdib.

  kamakura 01   

Paano ba nagsimula ang grupong ito?  Isisisi natin sa larong badminton.  At kung hindi niyo nakikita ang kaugnayan ng sanhi at bunga, pareho tayo. Tuwing may laro, halos lahat ay may bitbit na kamera akala mo’y raketa. Walang pakundangan ang tira dito, tira doon, di smash ang tinutukoy ko dito.  Kahit pagod, magpupuyat pa at sabay sabay mag upload sa facebook. At dahil sa ipininamalas na kaadikan, nabuo ang grupong magliligtas sa sambayanan. Parang Power Rangers lang.  Pero walang sinabi yan sa Photo-Po-Yers, tawag sa amin. Puwedeng kapopoy, parang tagasubaybay lang ng isang local TV channel.

  IMG_8012 IMG_8011   

Kadalasan, ang mga OFW ay nalulungkot at walang makausap, kaya minabuti ng grupo ang mga maglakad-lakad at magmunimuni habang bitbit ang mga kamera sa lahat ng sulok ng Japan.  Mabuti na ito kesa sa mag drugs drugs. Mag-lilimang buwan pa lang ang grupo, pero sa dami ng kasunduan, lakaran, asaran, Canon vs Nikon vs iphone na asaran, parang anim na buwan na.  Madami na ding kaming PHOTO KAD – mga tatlo, Mt. Takao, Yoyogi, Kamakura / Minatomirai.  Di baleng malamigan, mainitan, mabosohan, makaboso basta huwag lang maalikabukan ang mga kamera. 

  kamakura 02   

Masaya ang grupo. Walang halong biro. Huwag lang malipasan ng gutom.  Lahat tinatanggap. Cash man or credit card.

  TOT_4075   

Ikaw ba ay mahilig tumira at balak maging isang ganap na photopoyer? Or popoyer? or kapopoy? Huwag ng patumpik tumpik pa at sumali na aming tambayan. Ipakita na ang iyong interes at pindutin ang “Join Group” sa aming facebook page.  Wag mag alala, walang nangangagat diyan.  Importante dala mo lang ang kasiyahan at kaadikan ng isang maniniyot.  Madaming kang matutunan sa Photo-Po-Yan, madami din kaming matutunan sa iyo. Give and take lang, parang pautang. Bawat araw, di maikakaila na may matutunan ka. Kahit paulit ulit na.

  GroupShot   

Balak ko sanang tapusin ang hiblang ito sa, hanggang sa muling pagpopopoy. Pero hindi pupuwede, mahalay ang dating. Salamat pala  kay tripod sa mga larawan sa itaas.   

Hanggang sa muling pagjajacklord. 

totomai 
2013/03/20

8 comments:

  1. Mabuhay sa mga maniniyot at pagpupugay sa manunulat. Hindi madaling makahanap ng grupong nagkakaisa ang karamihang interest. Ngunit, datapwa't subalit meron pala at sa akin ay ito yun. Hatawan, Kodakan (para maiwasan ang pagtatalong Canon vs Nikon<-eewe> na asaran), Lakwatsa at Kainan. Mabuhay, Maayong adlaw diha, Malipayon ko nga nakaila ko nimo.
    -Kuyeng r

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha mga canonians lang naman nang aapi e haha

      Delete
  2. Ganda ng samahan! very happy to be part of the group.
    nakakawala ng pagod kahit pagod na. haha
    Mabuhay mga kapopoy and keep shooting!

    -ming

    ReplyDelete
  3. saya halos lahat bago na! I miss those days - guy26

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo bago na. photowalk din kayo diyan hehe

      Delete
  4. makajoin na nga... ehehehehehe..

    ReplyDelete

may hibla ka bang iiwan? sige iwan mo naman..