Sa tuwing haharap ako sa salamin, napapansin ko na medyo numinipis na ang aking buhok. Pero sa maniwala kayo o hindi, sadyang manipis na ang buhok ko buhat ng pinanganak ako. Natatakot ba akong makalbo? Medyo, kasi bawas pogi points yun e. Lalo na kung di ka pa pogi. Wala ng natira sa yo. May utang ka pa. Dati rati pag tinatanong sa akin yan, laging kong sagot, di ako natatakot makalbo kasi ganun na talaga buhok ko. Ngunit ngayon, parang pakonti ng pakonti na lang ang nasusuklay ko. Madami ng bakante. Aba, aba, di dapat mangyari yun. Sabagay, mawawala na din ako sa kalendaryo siguro tatanggapin ko na lang na nauubos na ang aking buhok. Nalalagas, paisa-isa, pasampu-sampu. Depende sa kondisyon.
Teka, paano ko bang naisipan gumawa pa ng isang blog e sa hirap na hirap na akong ipagpatuloy ang aking Distilling Thoughts? Sabagay, sa isip ko, okay na din to kasi nauubusan na din ako ng English kaya mainam na itagalog ko na lang ang mga ibang nangyayari sa akin dito sa mundo. Parang di ako nahihirapan mag-tagalog kunwari, ilonggo kasi ako e. At ibabahagi sa mga mambabasa gaya niyo. Kung walang nagbabasa, ipapabasa ko na lang to sa mga anak ko at apo balang araw.
Hibla. Nalalabing Hibla. Bakit yan ang naging titulo ng blog na to? Dalawang araw din ako nag-isip, humingi ng suhestiyon sa mga kaibigan ko kung ano ang bagay na pamagat sa munting pahina kong ito. Gusto ko kasi mas lalong personal ang dating ng blog na to, kaya napunta sa buhok ko ang usapan at sa katapusan naging pamagat nito.
At bago pa mahuli ang lahat at tuluyang maging bakante ang aking ulo, samahan niyo ako sa aking paglalakbay at pakikibaka habang unti-unti nalalagas ang aking mga hibla sa bawat oras na dumadaan. Sari-saring kuwento ang ibabahagi ko, masaya, malungkot, kakakilig, kakatakot, basta may maisulat lang.
Isang hibla ang naliligtas, sa bawat isang kuwentong nailalabas.

Pinapangako ko na hinding hindi ako titigil sa pagsulat at pagbahagi ng mga nangyayari sa akin hanggang may hiblang nalalabi. Kahit ito'y nag-iisa na lamang. Sa lahat ng mga ka-hibla ko, sana'y maisama niyo bagong pahinang ito sa inyong mga binisita at kinaaliwang babasahin sa araw-araw. Pangako, pipilitin kong may kuwenta ang isusulat ko at para mapakanta kayo ng sarap ulitin.
Siyanga pala, bago ko pala tapusin ang blog na to, babatiin ko muna ang lahat ng mga tatay ng maligayang araw ng mga tatay. Sagwa naman kung babatiin ko ang mga tatay ng maligayang araw ng mga nanay.
Hanggang sa muling pagjajacklord.
06/21/09

Galing! Lumalabas ang iyong pagiging makata!
ReplyDelete@winnie, anong makata? e pahirapan din pala ang tagalog. ilonggo blog na lang sunod. uy ung link mo ayaw. yung multiply mo na lang kaya ilagay ko? naka public ba yun?
ReplyDeleteYeeeeebah!
ReplyDeletebwahahaha.. maligayang pagbubukas! :P
ReplyDeletewow new blog and in Filipino... i tried to do that with my Lakwatserang Pinay butlater on I have to change to English kasi nahirapan ako he he
ReplyDeleteAnyway goodluck and keep on sharing!
:D
@meema and alaine, tayo din pala ang magkikita kita sa finals
ReplyDelete@te anne, ako din nahihirapan pero mas madaling magpatawa sa tagalog...
hahah, free magazine to,, parang documentary, parang where the hell is osama binladen, or parang megacities ng discovery channel, at big cat diary ng nat geo. keep it up,
ReplyDeletesusubaybayan ko to hanggang sa makalbo ka na,, hehehe
@dada, okay hintayin kita sa araw na yun. baka sabay pa tayo haha
ReplyDeletebwahahaha ~~~ very entertaining jaclord
ReplyDeletethanks te. pang divert lang sa boring kong buhay hehe. musta?
ReplyDeleteyahoo! isang taos-pusong pagbato para dito sa Filipino blog na ito! tama ka. hanggang sa huling hinbla...
ReplyDeleteang iyong ka-jacklord,
aajao :)
ka-jacklord, haha, salamat. promote mo naman to haha
ReplyDeletePayong. Title pa lang perfect 10 na score mo. Medyo ayaw ko matapos yun story. :))
ReplyDeletePasensya, hibla pala. Nasa isip ko kasi yung payong. Hahahaha!
ReplyDelete@Lemonade, ok lang yun, hehe salamat sa pagbisita. ako din, ayaw ko din matapos ang kuwento
ReplyDeleteI have long been thinking of coming up with a Cebuano blog kasi like you, tinatamad na akong mag-English. Haha :)
ReplyDelete@kikit, sige ba. kaso di ako makaintindi ng cebuano hehe. hirap mag english haha
ReplyDelete