Wednesday, June 24, 2009

Payong

Minsan, may mga pagkakataong nangyayari na hindi mo inaasahan. Minsan, ang mga pangyayaring gaya nito ay nagpapaalala na ika’y isang normal na tao.

Sa halos dalawang linggo kong walang katapusang kayod sa isla ng Yeosu sa South Korea, pakiramdam ko, manhid na ang buo kong katawan. Gising ka ng umaga, uwi ka ng hatinggabi. Sa mga oras na iyon, mata ko lang ang walang pawis. Pero minsan, may luha din pala. Labingdalawang araw na ganyan ang buhay ko, huwag na nating banggitin ang mga pagkain na kinakain ko dahil mas lalong sasama ang loob ko. Lunok at lamon na lang at sabay tulak ng aloe vera juice. Mga kakaibang pagkain na doon ko lang naranasan sa Korea. Pero kahit ganoon, madami akong natutunan, lalo na kung paano tumakbo mula sa loob ng vessel papunta kubeta nang mabilisan nang di nadudulas. Minahal ko rin ang aking hard hat na siyang taga-kubli ng mala-basang-sisiw na buhok ko. Buti na lang bawal ang camera sa planta dahil kung hindi, may ebidensiya. Kapag umaga naman, may exercise iyong ibang engineers at operators, parang mga characters ng mask rider black. Sabay sabay na sumasayaw nang 15 minutes, buti na lang hindi Nobody ang tugtog.

At dahil sa akala ng isa kong boss na ako ay robot at hindi napapagod, pilit akong pinasama sa isang meeting sa Seoul. At dahil hindi ko naman inisip na may ganitong meeting, wala akong dalang business suit. At dahil kailangan daw ako doon, naka utility pants ako, safety shoes at long sleeves na pumunta dun. Ayos sa japorms. Mukhang adik. At amoy gasolina pa. Sinabihan pa ako ng amo ko na dapat daw meron akong dalang damit in case. Para daw laging handa. Sabi ko naman, sa dami ba naman ng pinadala ninyong give-away ay maisip ko pa ba magdala ng business suit? Daig ko pa ang nagbebenta ng Electrolux sa laki ng bag ko. Pero next time daw magdala na din ako.

Fast forward natin ng kaunti. Huling gabi na namin sa Seoul. Isip ko hindi na siguro trabaho ang pag uusapan namin. Kasi kung trabaho pa din, wala akong magagawa kundi makinig na lang. Ayon nagyaya ang amo kong maghapunan, sa wakas at libre ito. Apat kami (isang Koreano ang sumama sa amin, agent namin dun) at dinala kami sa isang restoran kung saan ikaw ay magsasawa sa dahon na kanilang hinahain. Unlimited ang dahon at sili. Kaya kain lang ng kain. Lunok ng lunok lang pala. At kung saan na napadpad ang ang aming kwentuhan. Parang kasama ko ang 3 kong tatay, hehe generation gap kamo. Ako lang nasa 30’s sila nasa 50’s na. Pero nakikinig naman ako sa kanila. Words of wisdom kumbaga.

At dahil sa hindi ako masyado makarelate sa kanilang kwentuhan, kwentuhan tungkol sa mga panahong hindi pa yata nagkakilala sina mama at papa, umiikot ang mata ko sa loob ng restoran. Aba, meron doon isang magandang binibini na nag iisa lang sa kaniyang mesa. Kumakain din sya ng dahon, sarap na sarap pa nga e. Mukhang matagal akong nakatitig sa kanya at nadinig ko na lang na nagtatawan na ang mga tatlo kong lolo. At humirit pa ang Koreano kung gusto ko daw ba makilala. Sumali naman sa kantyaw ang dalawa hapon. Ang tatanda na nila para manukso, parang hindi bagay. Pero tatanggi ba ako sa grasya. Malay ko kung magustuhan niya ang abstranct na mukha. Nagbabakasali lang. Lumapit na ang Koreano sa koreana at nagsalita sila ng Korean. At ngumiti si binibini, hay ngiting nakakapagpangiti ng puso. Sumenyas ang koreano na lumapit ako. Lumapit naman ako. Tawagin ba akong uto-utomai kung di ako sumusunod agad. Pinakilala kami. Hindi masyadong magaling mag English pero marunong maghapon. Blema to sa isip isip ko. Tapos na din kumain si Yung Jin (o Jin Yung) hirap ng pangalan e, pwede baliktarin hehe. Tapos na din kami. Mag aalas diyes na yun e. Humirit ang bossing ko na uwi na daw sila sa hotel, bahala na daw ako kung saan kami punta ni labs, este ni Yung Jin. Una ko naisip simbahan, kaso gabi na sarado na lahat. Pangalawa, sementeryo pero baka matakot. Sabi ko na lang, tara kape tayo. Ang layo ng kapehan, mga dalawang hakbang lang mula sa kinain namin.

Pumunta kami sa kapehan, tiningnan kami ng waitress. Akala nya siguro bakit may kasamang driver ang customer nila. Naka shorts si Yung, yung damit parang Mexican, hindi ko alam ang term at nakalugay ang buhok Ako naman, naka pangkargador na japorms. Ang haba ng buhok niya, lampas ng bra line nya siguro. Maliit lang sya mga 5’3-5’4. Nung naka pwesto na kami, usap usap kami. Minsan English, minsan nihonngo. Kunwari marunong ako mag nihonggo. Tanong tanong, sagot sagot. Kwento kwento. Naubos ko na yata ang 50 nihonggo words na alam ko pero sige lang ako ng sige. Minsan, natatameme ako sa katitig sa kanya, lalo na nung tinali nya ang buhok nya sa harap ko. hay. Ang mainit na kape biglang nagging iced coffee. Pasado sya sa major requirement ko. Lakas ng pintig ng puso ko. Pero hanggang tingin lang ako. Minsan nahuhuli nya ako na nakangiti na lang, at bigla syang hihirit ng ‘why’. Ang pagbigkas nya ang parang may halong lambing at tunog ilonggo na lalong nagparamdam sa akin na tao pa ako. Tao pa! Kung ano ano ang mga napag-usapan namin, halu-halo na, at di na namin namalayan na mag hahatinggabi na pala. Uuwi na daw sya, naisip ko tuloy baka siya si Cinderella. Parang ayaw ko pa syang pauwiin, ngiti lang ang naisagot ko. At nadinig ko na naman ang salitang WHY. Inalalayan ko siya na lumabas at ako'y nanginginig. Ramdam nya siguro ang nginig at kaba ko at bigla na namang nagtanong ng WHY. Nahulog na talaga puso ko, pinulot ko muna sa sahig at nagiging paborito ko na ang salitang yun.

kasa

Lumabas kami sa kapehan na medyo mabigat ang loob ng langit. Umiyak din to ng malaman ang nagbabadya naming paghihiwalay. Kung pede ko nga lang siyang kidnapin nung gabing yun pero di maari. Sabi ko ang lakas ng ulan, maya na lang kami uwi, sabi nya di daw pede kelangan niya umuwi. Di ko naman kinulit baka magalit. Sabi ko na lang, salamat at naging makabuluhan ang punta ko sa Korea. Arigatou daw. Nanloko pa si Nene. Kinilig naman si Toto. Sabi ko sure na ba talaga siya na uuwi. Oo daw. Hingi ko email ad niya, binigay naman, pero di daw sya nagbubukas ng email. Sabi ko sige, sa muling pagkikita. Tumawag sya ng taxi, mga 5 mins pa daw dating, sabi niya pano daw ako uwi, sabi ko lalakarin ko na lang pabalik sa hotel. Sabi niya lakas ng ulan, sabi ko mabilis naman ako tumakbo kahit naka safety shoes. Napatawa siya. May kinuha siya sa kanyang bag at binigay sa akin ang kanyang payong. Sabi ko walang problema. Sabi niya ‘bring to japan’. Tumigil ang tibok ng puso ko at nakaplaster na sa mukha ko ang ngiti. Di ko alam kung panaginip to o bangungot na.

Nadistorbo lang ako nang pumara na ang taxi sa may pintuan. Wala na. Ending na agad. Nagpaalaman kami nang maayos. At nang hinatid ko siya sa taxi, napayakap ako sa kanya. Friendly hug lang uy. Sabi ko salamat talaga sa kakaibang karanasan. Nawala ang pagod ko. Daig pa ang thai massage. Sabi salamat din daw at pasensya sa English niya. Sabi ko walang blema, sa sunod nating pagkikita, Korean na salita ko. Hehe. Bago sya pumasok sa taxi, nag-iwan siya ng isang sobrang cute na smack sa aking amoy kape na labi. Ang bilis lang, mabilis pa sa kisap mata at nasa loob na siya agad ng taxi.

Habang nawawala ang taxi sa ulan, ako’y bumalik sa hotel. Di na ako tumakbo, naglalakad lang ako at hawak hawak ang payong na kanyang binigay. Parang kasama ko din sya. Ang bilis ng oras sabi ko sa sarili ko at parang nasa koreanovela lang ako. Doon ko napagtanto na pwede pa pala kiligin ang isang trenta anyos.

Umakyat ako sa hotel, nag email at nag plurk sa mga kaibigan. (Yung last part ng kwento di ko binanggit dati kasi nahihiya ako).

Sabi nya pala alam ko naman daw kung san siya makikita sa Korea. Ginawa pa akong manghuhula. Sabi ko naman sana andun ka pag andun ako sa lugar na yun. Ginawa ko rin siyang manghuhula.

May mga kwentong dapat subaybayan. Pero may mga kwento din na di mo alam, wakas na pala.

Hanggang sa muling pagjajacklord!

06/24/09

34 comments:

  1. sayang!

    smack lang kaya talaga???

    ReplyDelete
  2. ganda ng love story mo hehehe... saan ba ang kapehan na yan? nag pa picture sana para may remembrance, eh payong yung may picture...

    sana kuya mai, makakita kana ng partner... kami mag pupuno ng isang membro ikaw wala pa hehehehe...

    ReplyDelete
  3. @Dada, smack lang. alam mo na naman ako, makaluma bwahahahahahahaha

    @lav, sa korea lav. mahal ang pamasahe bumalik dun. hayaan mo lav, pag malaki na OT pay ko bibili na lang ako aasawahin. buntis ka? hehe

    ReplyDelete
  4. awwww.. nothing compares, totomai!! never thought na mamumub ako sa payong story mo. kala ko sakin lang importante pag nababanggit na ang payong.. ngayon sayo narin! :D sa susunod na journey mo sa korea at sa iba pa.. walang wakas sana. :D

    ReplyDelete
  5. uy salamat kat, buti umihi ako at nakita ko ang comment mo. dahil sa payong na yan, ang kasal sa ulan hehehe. sana kahit sa mars ako makapunta, may love story na naghihintay sa akin. hehe salamat

    ReplyDelete
  6. mai, chinek mo b kung totoong babae un bka bading un hahaha..-shengpot

    ReplyDelete
  7. sarap b kiss ng shoke..wakekeke

    ReplyDelete
  8. mga adik kayo hehe. shengpot, mas maganda ka pa dun e. suzy, oo naman hehe

    ReplyDelete
  9. uyy kinilig naman ako sa mala koreanovelang love story mo hihih.. at may smack pa.. *kilig* ingatan mong mabuti yung payong na yan hihihih

    at uhm, pahingi naman ng koreanong jowa para may mala koreanovelang love story din ako hihihih (Joohhooke)

    ReplyDelete
  10. oi ayan nagcomment na ako.. libre mo ko matsuya bwahahaha.. joke lang :p

    puntahan mo na kasi!!

    ReplyDelete
  11. @angel, sige hahanapan kita kung makakabalik ako dun sa korea hehehe pero baka maunahan ka ni pot haha

    @aleng, kala ko kung sino si mei haha salamat

    ReplyDelete
  12. sana nga bf sya na nga para di nalang ako ang palagi mong inismack yikes hihi - Caloy da model hihi

    ReplyDelete
  13. haha kadiri tong feeling model o haha. kita kits sa sunod. uy pabasa mo to kay che hehe

    ReplyDelete
  14. kung may part two, makikilig lahat ng readers mo. :)

    ReplyDelete
  15. tapos na ba itong story na ito? haay....

    ReplyDelete
  16. nacurious na ko, sabi kasi nila basahin ko na.hehe naku, nahawa yata ako sa pagkakasulat ng blog mo.. hehe.

    nakakainspire naman to totomai. nakakatuwa, parang mga napapanood ko lang ;-)

    ReplyDelete
  17. @Kikit, himala na lang ang mangyayari para magka part 2 to...

    @ate anne, oo nga wakas na yata :( ambilis

    @konu, salamat. salamat sa pagdalaw. teka, sa plurk ka ba?

    ReplyDelete
  18. nice one mai... i like this post... ok ang pagkakagawa mo dahil napapangiti ang sino mang makabasa nito... shucks... daw indi na ako kabalo magtagalog... budlay gale magsulat kesa sa maghambal no... ;)

    ReplyDelete
  19. mai don't work to much... love yourself above your company. just work within your pay grade, if you die or get sick due to work, the company will not support your family no... so hinay hinay lang... :)

    ReplyDelete
  20. Hi my, musta na? thanks sa pagbisita, ang hirap ng mga naka anonymous, naman, mag open nga kayo ng blogger account haha.

    ok bespren, i agree haha. kelangan lang ng pera e

    ReplyDelete
  21. kaya pala nagtatag ng pangalawang blogspot, sobra kasing inspired. check your email baka nag.reply na yun!. -chrome-

    ReplyDelete
  22. havent read a tagalog story in a long while. natuwa ako sa kuwento mo. galing!

    ReplyDelete
  23. Hehe, I would like to comment, Kuya. Pero hindi ko ma-take. Hindi ko rin matapos magbasa. Hindi ko na masyadong naintindihan. Sa comments na lang ako naki chismis. I take it that Tagalog comments are imposed here in your blog? :D Sige, when ang next thread kaya? Hmmm, iba talaga pag ma in love kasi mag make ng 1 blog, tsk :D

    ReplyDelete
  24. @megumi, salamat at natuwa ka hehehe sana may part 2 ano

    @mariale, haha ang hirap kasi pag english di ko kaya haha

    ReplyDelete
  25. Paborito mo pala salitang WHY, sige...
    I why really why enjoyed why reading why your why story.
    Sana why nga why may why Part why 2.
    Are why you why sure why you why got why her why name why right?
    From why what why I why know, why the why first why name why for why koreans why is why usually why 2 syllables why while why the why last why name why is one why syllable.

    ReplyDelete
  26. haha adik ka ruel, nahilo ako sa why mo hehe. salamat sa pag basa at sa ambigram :D

    ReplyDelete
  27. paki hi na lang ako sa korean F4. hahahaha.

    love,
    nobe

    www.deariago.com
    www.iamnobe.wordpress.com

    ReplyDelete
  28. @Nobe, sige ba. kaso di ko sila kilala hehe

    ReplyDelete
  29. tatang! pasalamat ka sa boss mong mahilig sa dahon-dahon! =))

    ReplyDelete
  30. oo nga itay, malamang si martina ganun din dati hehe

    ReplyDelete
  31. tiyak meron itong susunod na kabanata. abangan... sa susunod na linggo.

    at saka, dagdagan mo na ang 50 nihonggo words mo.

    ReplyDelete
  32. @ate rya, sana matuloy. next week or next next week :D haha di ko na kaya ang 50 nihonggo words more

    ReplyDelete
  33. ok huh...nice story! parang na encourage ako mag join at mag blog sa site na toh!!!..sana magkatuluyan kayo^^

    ~clever~

    ReplyDelete

may hibla ka bang iiwan? sige iwan mo naman..