Tuesday, September 29, 2009

Ulam

Tandang-tanda ko pa nung maliit pa ako, napakanta ka ano. Naalala ko lang kasi nung bata pa ako, laging nag-iisip at nag-alala si Mama kung anong ulam ang ihahanda niya sa hapag kainan. Ayaw niya kasi kaming magsawa sa mga kinakain namin araw araw. Baboy, manok, baka, gulay, isda, sabaw, iba’t ibang putahe ng di maumay ang aming mga dila. Tinding hirap pala ng kanyang ginagawa para sa amin, siya na nag-iisip, siya pa nagluluto. At sana natuto din akong magluto para kahit papano di ako nahihirapan sa buhay dito sa Japan. Pilit naman akong tinuturuan ni Mama kaso di talaga ako mahilig magluto, at kung nahilig siguro ako, lalo akong lolobo.

Oo, di ako marunong magluto kaya wala akong baon. Ayaw ko naman magbaon ng spam kasi yun na ang kinakain ko tuwing Sabado at Linggo. Sinubukan ko na rin mag adobo pero parang walang lasa, di gaya sa Pinas. Di ko alam kung sa baboy nila talaga, kasi kahit suka at toyo na mula sa atin ganun pa din ang lasa. O di lang talaga ako marunong magluto.

Sinubukan ko na din mag tinola noon, basta may Knorr Cubes. Walang dahon, walang luya, walang sangkap, knorr cubes at manok lang. Tubig pa pala. Nauubos ko din naman kahit papano. Yun nga, dahil palpak din lagi luto ko, sa labas na lang ako kumakain. Simula noong Hulyo 2008, araw-araw ako kumakain sa Yoshinoya, tuwing tanghalian at kung kailangan mag overtime, tatawid lang ako sa kalsada at puwesto, busog na uli. Lagi kong kinakain sa Yoshinoya ay ang Syogayaki (wrong spelling wrong ba dito?) Dati pa akong adik sa buta-don, marahil sa katamaran ko kumakain na lang ako sa Matsuya. Isama na natin ang hilaw na itlog at ihalo sa kanin, walang katumbas na sarap at dighay ang inaabot ko. Suki ako ng Matsuya dati, mula noong 2003 pa nagbago lang lahat nung ako’y napadpad uli sa Japan. Nasa harap lang kasi ng opisina namin ang Yoshinoya. 

Pero, isa lang ang masasabi ko, Mas masarap pa rin ang Matsuya kesa sa Yoshinoya.

Pero napapansin ko na mukhang di na yata okay ang ginagawa ko a. Lagi na lang baboy at itlog araw araw (dalawang beses pa kada araw), mukhang tinatawag ko na si kamatayan nito. Parang kailan lang nagkaroon na ako ng phobia sa Yoshinoya. Ni ayaw ko ng tingnan ang kainang ito. Marahil siguro nagsawa na ako. Nung huling kain ko dito, di ko naubos ang ulam na dati’y parang dinaan ng kidlat ang plato. Parang ang lahat ay di nanatili na lang sa lalamunan ko, di ko na malunok. Kaya, paalam Yoshinoya, di na kita babalikan. Ngayon, lagi ako sa Thai resto, pero kahit araw araw, madaming pagkain naman ang pedeng kainin. Kaya di magsasawa ang aking dila at mga alaga sa tiyan. Mga isang buwan na at sana di ako maumay sa kakakain dito, aloi mak mak.

Tuwing gabi naman, nag-titinapay na lang ako at salad. Mukhang di nakakabusog pero kakayanin ko. Siguro ganun talaga pag naninibago ang katawan, pero sa kalaunan ako din ang magbebenispisyo o yung ospital. Bahala na kung ano ang mauuna.

Dahan-dahan muna ako sa pagkain ng baboy, at baka maging alamat akong bigla. At pero dahil sa uuwi ako sa sunod na linggo, at natatakam na ako sa adobo ni Mama, di muna ako magdadahan-dahan sa paglamon ng baboy.

adobo


Hanggang sa muling pagjajacklord

totomai
09/29/09

5 comments:

  1. kasi naman ama.. magasawa ka na para may magluto na para sa yo :P

    at oo, masama ang palaging baboy..iwas ka dun baka lumobo ka

    ReplyDelete
  2. ayan na.. mag-asawa ka na daw.. pwede ba si olive? hehehehe

    ReplyDelete
  3. @anak, hanapan mo ako ng nanay haha

    @pot, ginawa mo naman akong si pop eye haha

    ReplyDelete
  4. o hinay hinay s pgkain ng baboy pg uwe m ng pinas..wakeke=)
    ipagpatuoy naten ang salad at mnsan ang shaka shaka chicken at ang thai foods xempre..ayos - sisters

    ReplyDelete
  5. salamat mga sisters hehehe minsan lang kaya ako uuwi kaya kain todo todo muna

    ReplyDelete

may hibla ka bang iiwan? sige iwan mo naman..