Buhay OFW. Saglit lang, di pangmatagalan. Di permanente. Ang trabaho ay nakasalalay sa kontrata, na kahit anong oras ay puwedeng ipawalang-bisa kung kinakailangan. Kung tutuusin, akala ng lahat madali lang ang buhay sa ibang bansa. Na madaling kumita ng pera. Pero ang hindi nila naiintidihan ay ang hirap, emosyonal at minsan pisikal, na nararanasan ng isang OFW. Medyo malaki nga ang kita kumpara sa sahod mo sa Pilipinas pero hindi madali kitain ang salapi. Minsan, kailangan mong labanan ang lungkot para lang mapigilan mo ang sarili mo sa pagtalon mula sa bubong ng iyong apartment o magpasagasa sa tren. At buti na lang, may mga nakakasalamuha kang mga kapwa Pinoy na kahit papano, nakakatulong para maibsan ang kalungkutan na nararamdaman mo. Sila ang pangalawang pamilya mo dito.
Pero gaya ng sinabi ko, pati yung pagsasama-sama ninyo ay may hangganan. Ayos sa panimula e no, pero ang blog na ito ay alay sa isang kaibigan na uuwi na sa Pilipinas bukas.
Siya ay si Potpot. Pero sa internet, siya ay si engrpot / potsquared , isang blogger, at isang maniniyot. Una kaming nagkakilala nung Bayanihan Exhibit, nitong Marso lang pero parang ang tagal na naming magkakilala. Isa siya sa mga pinakamakulit na nakilala ko dito sa Japan, laging nagpapatawa pero nagbibigay din ng mga payo sa amin kung kailangan lalo na sa medyong seryosong mga bagay-bagay at usapin. Isa rin siyang dakilang ama, pasensya na sa mga humahanga sa kay Potpot, meron nag nag mamay-ari ng puso niya, si Kid, este asawa niya siyempre. Alam namin na malungkot siyang lisanin ang bansa ng mga sakang, pero mas alam namin na maligayang-maligaya siya sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas. Lalupa’t madadagdagan na naman ang kanyang tsikiting.

Pot, sa iyong pag-uwi sa Pilipinas, lagi mong tandaan, andito lang kami, ikaw andun. Haha! Kita-kita sa October kung matutuloy ka sa Bacolod. At sa iyong mga plano, lagi mo lang isipin ang patalastas ng PLDT, kung saan ka Masaya, ti suportahan ta ka. MGF?
/totomai
08/26/09
wahhhh.. babay poti :'(
ReplyDeletewag naman babay haha
ReplyDeleteWaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh!! :'(
ReplyDeleteAasahan na ba naming magkakaroon ng isang entry bawat taong uuwi na for good?
depende, baka ako mauna e di ko na kayo magawan hehe
ReplyDeletehuuuuhuuuuhuuu... pano na tayo pot?? :p
ReplyDeletepatulo na yung luha ko ng biglang umurong... hehehehe... maraming salamat mr. martinez sa pagbigay mo ng isang pahina para sa akin.. pasalamat ako at nakilala ko at naging kaibigan ang isang tulad mo... salamat... hindi ako magpapaalam... ang masasabi ko lang.. hanggang sa muli!
ReplyDeletemaraming iiyak sa paglisan ni pot. andami kasi nyang nilandi, di ko akalaing me asawa siya. sana mabasa ito ng misis nya hehehe. pero sa totoo, mabait yan si pot. at sa galing nyang mag-ingles, as in nosebleed, madali yang mkahanap ng trabaho. :-)
ReplyDelete@kid, diyan pa naman si CP e hehe
ReplyDelete@Pot, sipon ba ang tumulo haha. salamat din pot sa lahat kita kita tayo somewhere out there. shet nalulungkot ako haha
@atty, may asawa na pala si pot? haha
ika nga nila, pag dumadating daw ang ganitong pagkakataon hindi tayo ang nawawalan kundi nagbubukas lang tayo ng pinto ng panibagong oportyunidad.:)
ReplyDeletetama ka diyan mod wrein :D ayos ang link a, timog.com :D
ReplyDeletedi mo na ba talaga hihintayin pot?? lol joke
ReplyDeletekaya pala binura mo na yung mo mga porn mo...sayang sana pinorward mo saken ehehehe..
sayang at di ko nahimas yung belly fats ni pot.. hamishyu fafa...
ReplyDeletepotttttttt.....balik ka na dito pot libre kita ng matsuya..
ReplyDeletenaku tama ka john, hindi madali kita-in ang salapi kaya mas natuto akong mag-spend wisely kasi hindi nga sya madali :)
ReplyDeleteNakakarelate ako sa definition mo sa buhay OFW. At nakakarelate din ako sa idea na people come and go.
ReplyDelete@ms beth, oo kaya libre mo ako haha
ReplyDelete@kit, ako sanay na siguro. bato na haha
ha!ha!ha1 good luck to pot...di man kita kilala makikisali na din ako sa pagsabi ng maligayang paglalakbay pauwi sa pinas!
ReplyDeletetama ka totomai,nakakarelate ako dyan sa buhay OFW.sapul na sapol mo, kabayan! sinundan ko mga bakas ni bethchai dito ako pinadpad!!
magandang araw salitype hehe estudyante ako ni betchai dati salamat at napadpad ka sa hibla na to... hirap maging OFW no?
ReplyDelete...oh! estudtante ka pala ni ma'm bethchai..
ReplyDeleteay sus, talagang hirap buhay ng OFW....lagi akong nakatunganga sa disyerto dati,hirap kitain katas ng langis eh!...tsk!
LOL. "maniniyot"... kailangan ko talagang i-check yung link para malaman ko na "photographer" pala ito. hahaha. adik!
ReplyDelete