Thursday, January 27, 2011

Itay

papa


Enero 27 na naman. Ibig sabihin nadagdagan na naman ang edad mo. Animnapu’t isa ka na pala, bata pa yan, huwag kang mag-alala. Mas makapal pa nga yata ang buhok mo kesa sa akin, kaso puti nga lang. Diyan naman ako lumamang sa iyo. Kung mga 1991 pa lang ngayon, niyaya na kitang uminom pero magdadalawang dekada na buhat ang huling pagdaloy ng alak sa iyong lalamunan. Maliban na lang kung umiinom ka pala ng palihim. Maya-maya lang babatiin ka na ng mga kaibigan mo diyan, at yayayain kang uminom. Sabihin mo tubig na lang para maiba naman. Huwag silang mag-alala kamo kasi meron naman pulutan at videoke. Puwede na yun.

Hindi ka na rin puwede pala mag softdrinks o magpagawa ng macaroni salad kay Inay kasi medyo mataas ang sugar level mo. Huwag matigas ang ulo at mahal ang gamot ngayon. Pero may discount ka na yata, kasi senior citizen ka na. Hehe. Okay din siguro paminsan-minsan kumain ng matatamis, huwag lang minu-minuto, ibang usapan na yan.

Hindi na rin pala kayo kumakain ng baboy ni Inay, sayang papalitson pa sana ako. Akala mo papalitson nga ako ano. Sabi mo nga kay Inay kumakailan, hanggang mayroon pang isdang nahuhuli at naihahain, solb na solb na kayo. Gusto ko tuloy kumain ng gulay. Hayaan niyo minsan, masasabi ko din, gulay pa lang solb na solb na din ako. Pero huwag lang muna sa ngayon. Kapag 60 na din ako siguro.

Minsan may mga pagtatalo at diskuyon tayo pero ganun talaga ang pamilya. Ang lungkot naman kung lagi na lang tayong nakatango sa lahat ng oras. Ang mahalaga andun pa rin ang respeto sa isa’t-isa. Lagi sinasabi ni Inay na nagtatampo ka daw kung di kita makausap sa telepono kapag tumatawag ako, pero kung ikaw makasagot eto ang linya mo, “Musta ‘To? Gusto mo makausap Mama mo?” Parang adik lang. Siyanga pala, sana ay magiging suwerte ka sa sabong ngayon taon para tuloy tuloy lang ang balato mo sa amin, pero huwag niyo naman ubusin ang manok ni Dorb. Nakakaumay kumain ng tinola lagi.

Madalang mo man to marinig pero maraming salamat sa lahat-lahat.

Buti na lang di ka marunong mag-internet at di mo to mababasa.

Maligayang Kaarawan Papa!

Palangga ka namon!

Ang iyong ama, este anak pala, totomai at dorb (sinama ko na din si dorb dito)

Bago ko makalimutan, harap ka naman sa camera sa sunod. Lagi na lang kunwaring candid mga litrato mo.

Hanggang sa muling pagjajacklord.

totomai
01/27/11

9 comments:

  1. "Ang iyong ama,..."

    para sa akin ata tong linya na to wahaha..

    Happy birthday Daddy tomai :p Si ama ama yan e haha..

    ReplyDelete
  2. salamat anak. lol di alam ni itay na meron na akong anak haha

    ReplyDelete
  3. "musta to? gusto mo makausap mama mo?", haha, panalo to...hapi bday ulit sa papa mo mai :D

    ReplyDelete
  4. hehehe mas makapal pa buhok ng tatay mo kesa sayo? joke lang kuya hehehe happy birthday ulit sa tatay mo mai...

    ReplyDelete
  5. @mata, haha masayadong interested si papa no? hehe

    @lav, close fight kaya haha

    ReplyDelete
  6. happy bday papa...guluhin mo na ang lahat wag lang ang buhok nyaaa... caloy

    ReplyDelete
  7. haha bespren, di ko nailagay sa blog ang pomada lol

    ReplyDelete
  8. happy bday itay! haha.. katuwa naman, ang anak oh, bow. copy paste ko hah! sa ka-animnapu't isang kaarawan ng tatay ko! kaso paki-edit onti, kasi marunong yun maginternet, saka makapal buhok nun, saka di siya nagsasabung, saka dito pala siya nakatira.. nyeehh.. wag nalang pala, batiin ko nalang pala sa text! nyahaha.. HAPPY BIRTHDAY po!

    ReplyDelete

may hibla ka bang iiwan? sige iwan mo naman..