Monday, February 14, 2011

Goma

Pebrero 14. Araw ng mga puson. Araw ng mga puso pala. Maliban sa rosas at tsokolate, isa sa mga pinakamabenta sa araw na ito ay ang goma. Gomang di bastang-basta nabibili sa suking tindahan. Kailangan mo pang pumunta sa botika para makabili nito. Buti na lang dito sa Japan, puwedeng makabili sa vending machine.

durex

Bago ako nagtapos ng kolehiyo, isa sa mga pag-aaral ko ay ang kung paano gumawa ng goma (condom sa English) mula sa katas ng langka. Napag-isip isip ko dati na kesa sa maging basura ang balat ng langka, puwede itong gawing alternatibo sa rubber trees bilang pangunahing materyal sa paggawa ng condom. Ayun sa aking pagsusuri, puwede naman, may instant flavor pa. Biro lang, at dahil technical study lang to, walang produktong nagawa. Pero kung meron diyan na maraming pera at sponsoran ako para subukan ito, sabihin niyo lang at hahanapin ko ang kopya ng study ko. Malamang nasa basurahan na ito. Typewritten lang yata ang report ko noon.

Maliit pa lang ako ay mulat na ako sa mga contraceptives. Isang nars kasi ang aking inay at siya ay nagtratrabaho sa health center ng aming siyudad. Ako ang inuutusan niya gumawa ng kanyang visual aids para sa mga baranggay na kanilang pinupuntahan. At kahit di ko pa lubos na naiintidihan lahat, sinusunod ko pa din ang utos ni inay. Mga ilang taon din na naging bespren ko ang manila paper at pentel pen, minsan cartolina. Kapalit ng kalyo at pawis ay dagdag sa baong pang-eskuwela. Pang-sopdrinks kumbaga.

Gaya ng sagot ko nung defense ng aking technical study, hindi rin sakop sa blog na ito ang mga gabay kung paano ito gamitin. Mahirap ng mapagkamalang pornograpiya ang Nalalabing Hibla. Pero kung di niyo talaga alam paano gamitin ito, mas maiging huwag na kayong gumamit. Yan ay isang payong kaibigan.

O siya, di ko na papahabain ito. Baka sisihin niyo pa ako sa konting oras na kinuha ko sa inyo sa araw ng mga puso. Nawa’y masaya kayo sa araw na ito.

Eto lang ang masasabi ko. Putukan na. Ng lobo.

Hanggang sa muling pagjajacklord.

totomai
02/14/11

12 comments:

  1. Bro hinahanap ka ni Richard Gomez, siya daw ang magiging spokesperson/image model ng iyong Goma na gawa sa langka, hehehe! Biro lang :)

    http://talesfromthemoseisleycarinderia.blogspot.com/

    ReplyDelete
  2. Peste, 1 minuto din yun! at Char char lang masasabi ko! nyahaha

    ReplyDelete
  3. bakit wala ka namang ka-date a lol

    ReplyDelete
  4. hihi malamang tusok tusok ang goma na gawa sa katas ng langka. besfren naalala mo na ginamit natin yung binili mong ganyan hihi mwahh-ski

    ReplyDelete
  5. @kid, toinks lupet saan?

    @caloy, tusok tusok ba? parang fish ball haha

    ReplyDelete
  6. delikado yan mai,, may dagta lol didikit,,

    ReplyDelete
  7. naks!alam na alam mo pwede bumili sa vending machine..hehehe

    ReplyDelete
  8. @dash, didikit ba? haha pano mo alam?


    @ate mai, sabi lang nila lol

    ReplyDelete
  9. digs pre! makabili nga rin ng langka hahaha!

    ReplyDelete

may hibla ka bang iiwan? sige iwan mo naman..