Hindi naman talaga ako lasenggero e. Umiinom lang paminsan-minsan. Minsan nalalasing, minsan nama'y lalong nalalasing. Pero ngayon mukhang mabilis akong tamaan ng alak. Gaya nung Biyernes, nagyaya ang amo namin ng inuman, sino ba naman ako para tumanggi lalo na’t libre? Walang pakundangan na inom ang gawa ko, aba mga dalawang buwan din ako di nakainom. Gulat ang iba kong mga kasama, bakit daw ako nagpapakalasing. Sabi ko di naman, libre lang kasi. Sayang at dalawang oras lang nila pina-reserba ang lugar kaya napilitan kaming umuwi. Sakit sa ulo nung pagkagising, mas lalong sumakit nung buksan ko ang ref at ang laman lang ay nag-iisang mineral water.
Sa maniwala’t kayo o hindi, dito lang ako sa Japan uminom ng labis. Sa Pinas (lalo na pag nasa Bacolod ako), hanggang Coke lang ako. Naks, parang anghel. Anghel ng Demonyo. Nung una kong punta sa Japan nung 2003, ako lang ang Proces Engineer na nasa Japan. At dahil bago din ako sa kompanya namin, wala pa akong masyadong kilala. Sa isang bahay, apat kami at sila'y magkaka-department. At dahil sa yung apartment namin ang pinakamalaki, siyempre doon ang inuman. Wala pa akong isang linggo, at ayun may party na agad. Kaya di ko makakalimutan ang VO na yan. Anim kami noon, at dalawang VO ang tinira namin. Nung una pangiti ngiti lang daw ako tapos sa kalaunan, tumatawag na daw ako ng uwak. Nasa kuwarto na ako nun, at dahil medyo sana’y na ang iba sa inuman, yung isa kong kasama inalayan ako. Kumuha siya ng supot para doon daw ako sumuka. Kinaumagahan, kantiyaw ang inabot ko. Nakapuno daw ako ng supot. Dalawang supot at ang laki ng babayaran ko daw sa kanya, puno daw ng talsik ng suka ang braso niya.
Dahil sa kalasingan, nasubukan ko na ding matulog sa daan dito sa Japan. Walang binatbat ang aircon. Di naman ako matutulog sana dun e. Sinamahan ko lang yung kasama ko na parang hiblang naputol at natumba at di ko na maibangon. Buti na lang at walang pulis na dumaan. Salamat at di uso dito ang namamantala ng mga lasing. Kung nagkataon, dyaryo na ang nakatakip sa amin. Sarap pala gumising mula sa semento, akala mo pangalawang buhay mo na. Pag dilat ng mata, may mga nag bibisekleta na at nag-o-ohayou gozaimasu pa ang iba. Wala nga lang pandesal at taho.
Pero mas lalong naging adik ako uminom sa Thailand. Mura kasi ang beer at mas makulit ang mga kasama kong pinoy. Anim lang kasi sa kompanya at nasa iisang hotel lang kami nakatira. Tuwing Biyernes, pagkatapos ng opisina, nasanay na kami uminom habang naglalaro ng bowling. Tuwang tuwa naman yung mga tao dun pag andun kami, kasi kami lang ang maingay at siyempre di nila kami maintindihan. At hindi rin namin sila naiintidihan. Sabi nga nila, walang pakialamanan.
At ang isa kong loko-lokong kaibigan, nakunan pala ako ng video habang naglalaro. Pero okay lang, strike naman kahit papano. Kinopya ko lang to sa kanya, na post niya na sa youtube bago ako sinabihan. Sarap malasing at magjacklord sa sahig gaya nung nasa bidyo sa ibaba.
Uploaded by aidash87
Tapos after bowling, derecho kami sa hotel, babad ng konti dun sa pool, pantanggal ng amats. Pagkatapos, papatuyo lang sa hangin at punta na sa cafeteria ng hotel para sa ikalawang yugto ng inuman. Meron kasi dun karaoke e, kami na ang pinapagamit lalo na pag walang customer. Minsan, bumibili na kami ng beer sa labas kasi mahal sa loob e, kaya order lang namin ay yelo. Libre na kanta at sayaw, yung lang naman ang importante e.
Kelan kaya ako makakasayaw nito uli. Kuha ng isa ding adik ko na kaibigan. Yung steps na yan ay kuha ko sa napuntahan namin sa Bangkok. Alam nyo na siguro kung ano yun.
Kelan kaya ako makakasayaw nito uli. Kuha ng isa ding adik ko na kaibigan. Yung steps na yan ay kuha ko sa napuntahan namin sa Bangkok. Alam nyo na siguro kung ano yun.
Masarap uminom. Lalo na paglibre. Pero dapat alam mo lang pano kontrolin ang sarili mo at mag-ingat na sa mga kasamang may dalang camera. At syempre mag-ingat pag-uwi kung di ka sa bahay niyo uminom. Baka maya-maya pala, isa ka ng alamat!
Hanggang sa muling pag-jajacklord!
Hanggang sa muling pag-jajacklord!
07/02/09
bwahahahahaha.. kulet nung video
ReplyDeletewahahahahahahahaha!
ReplyDeleteibang klase to talaga mai, classic jacklord in action,,,
@alaine, haha syempre, tahimik ako e haha
ReplyDelete@Dada, kuha kaya ni ai yang video hehe. musta na?
hahaha! sana nag post din c ai nung kumanta ka ng "HELLO" hehehe... favorite mo yun eh... peace kuya mai... hahaha!
ReplyDeletebwahahahahaha nakalimutan ko na yung pagtutula ko ng HELLO sama mo na din ang IN THE END
ReplyDeletemusta na kayo?
BUKAS! mapapasabak ka! ayain mo na yan si Dash!
ReplyDeleteinumaaaan na!!! sayaw kanta sa karaokehan!!!
may lakad daw si dash e, kuya, subukan ko sumunod alam mo naman may dinner ako hehe
ReplyDeletenaalala ko tuloy yung mga panahong tuwing Sabado eh umiinom kami ng barkada ko nung hayskul.. naku.. katakot takot na sermon ang inabot ko nun sa mga magulang ko, titot tita at maging sa lolot lola kpo.. perstaym ko kasi gawin yung tuwing sabado eh umiinom.. nang magcollege ako, naging occasional na lang ang inom ko, naghiwahiwalay na kasi kami ng mga kabarkada ko nung hayskul...
ReplyDeletefjordz, sarap pa ding uminom kahit anong sabihin nila hehehe. ako nung grad lang natuto hehe
ReplyDeletefavorite dance move yung second vid!! hahahahaha!
ReplyDelete@katek, ipapa-patent ko na yan lol
ReplyDeletesalamat mai natatawa ako..ang kuletttt..ayos yung videos..at kayo lang yata talaga tao dun sa bar..hehehe..--almae
ReplyDeletejacklord bakit ang mga sayaw mo nakadikit parati sa sahig ang katawan.. yan ba ang usong sayaw nung kabataan mo nung 70's?
ReplyDeletehi alms, di ka nainom dati kasama kami hehehehe
ReplyDelete@lenard, kabataan mo? kabataan natin. hehe
buti na lang at di ako mahilig sa alak -chrome
ReplyDeletebwahahahaha. di ba. parang anjan ka sa video
ReplyDelete(lmao) hahahaha. pambihira.. comedian ka totomai!
ReplyDeletelikod pa lang totomai na totomai na! hahahaha!! ansaya ng video clips mo! yan ang klasik!!
ReplyDeleteFunny moves :D Mag dancer ka na lang kaya, Kuya? Hehe, why not?
ReplyDelete@katto and konu (aka the sisters) di nyo alam na ako'y isang adik haha. tambay na pakalat kalat sa kalye hehe. salamat sa pagdalaw sa hibla
ReplyDelete@mariale, kung may tatanggap sa akin bakit hindi haha basta painumin nila muna ako
naku wag ka ng uminom kasi ng sobra lolo mai
ReplyDeletemahirap na at baka ka mapagsamantalahan hihi mwahmwah-ski
nabasa ko rin.... madali ka ng malasing? pasalamat ka at imbes na mga neurons mo ang naalis e mga hibla lang hehehe
ReplyDelete@caloyski, aba, papasamantala ako ahaha
ReplyDelete@ate rya, nosebleed haha
hi john, di ko alam na may tagalog ka palng blog, haha, i hope hindi ka naman nahirapang magsulat :)
ReplyDeleteewan, di ako maka-relate sa "masarap uminom", kasi di ko talaga gets ang lasa tapos, tapos, ayaw kong pahirapan sarili ko kasi yung lindol nang sakit nang ulo pagkatapos ay parang self-punishment, hehe!
talo mo pa si michael jackson mai hehehe - bert
ReplyDelete@ms beth, parang ikaw ang nahihirapang magsulat ng comment hehehehehehehehe
ReplyDelete@bert, parang andun ka sa video a haha
hahaha sorry mai nakuha ko yun na patago...... na aaliw kasi ako sa inyo nung pagpunta ko ng Thailand.. anyway signature dance na ata mo yun....-davebone
ReplyDeletebwahahaha ikaw dave ang may kasalanan nito. haha nasa itouch ko na yang video na yan :-)
ReplyDeletekakaiba yung trademark move mo mai,si bert medyo mahiyain pa
ReplyDeletehaha nakilala mo kami haha
ReplyDelete