Buti na lang wala kaming lahing aswang. Kasi kung meron man, hindi ko lubos maisip kung kakayanin ko ba ang lumipad at dumapo sa mga bubong ng mga bibiktimahin tuwing kabilugan ng buwan.
Takot ako sa matataas na lugar, hindi ako mapakali lagi lalo na kung alam kung nasa himpapawid na ako. Oo, kasama na diyan ang pagsakay sa eroplano. Sabihin na natin na lagi akong nasa biyahe o lagi akong sumasakay sa eroplano, pero di pa din nawawala ang pagdagungdong ng aking puso tuwing nasa loob na ako nito. Lahat ng santo ay tinatawag ko para lang patulugin ako. Kadalasan, bago ng aking biyahe, sinisigurado kong di ako nakakatulog para madali akong ma-knock-out at tuloy-tuloy na sa coma agad. Gigising lang ako sa eroplano kapag oras na ng kainan. Tapos tulog uli.
At dahil sa gusto kong labanan ang aking kinakatakutan, sinubukan kong ang mga iba’t-ibang uri ng sports para lang mawala ang takot. Sa halagang 700 yen pinirmahan ko ang papel na nagsasaad na wala silang pakialam kung mamatay man ako sa pagtalon, bungee jump. Mahagip man ang leeg ko ng tali, okay lang daw, madyadyaryo naman ako. Habang umaakyat ako sa hagdan papunta sa platform kung saan ako tatalon, pakiramdam ko ang bigat ng aking mga paa. Unti-unti kong nararamdam ang pagdaloy ng pawis sa aking mga palad at pati na din sa aking singit. Lalong di nakatulong ang hangin sa taas. Pero ganunpaman, narating ko din ang dapat kong marating, o ang di dapat kong marating, ang platform. Tatalon kaya ako o hindi? Ang tanong naglalaban sa aking utak. Parang di ko yata kaya! Pero ng marinig ko ang tawanan ng mga tao sa ibaba, sa urong-sulong kong pagtangka, sabi ko sa sarili ko, aba din a baling kunin ako ni Lord, di ko lang madinig ang tawanan ng mga tao. At dahil sa hiya, napatalon ako, at ramdam ko ang pagtigil ng akin puso. Sa himpapawid naghahanap ako ang makapitan, pero wala, kahit isang anghel o demonyo, walang tumulong.
Naranasan ko din ipatali ang sarili ko sa speedboat. Parasailing naman kunwari, sabi nila takbo daw ako di pa nga ako nakatakbo lumarga na sila. Kaya sa halip na sa himpapawid ako mauuna, sa tubig bumagsak. Pero hihilain ka din naman nila uli, aahon ka sa tubig at dun na lilipad ka, may parachute naman e. Dahil sa basa na din ang aking katawan, di nila makikita kung umiihi man ako sa himpapawid o hindi. At nung bumalik na sa dapuan, kunwari nabitin ako, pero di nila alam natapos ko ang limang misteryo sa loob ng dalawang minuto.

paa ko yan nung nagising ako sa langit
At di pa ako nakutento dahil sa buhay pa ako, sinubukan ko naman ang paragliding. Eto talaga wala ng ligtas kung mali ang bagsak namin. May kasama naman ako sa paglundag kasi wala pa akong lisensya. Pero bago ako tumalon, sinabi ko sa mga kasamahan ko na sabihin nila na mahal na mahal ko si mama. Eto na, sabi ng sensei, takbo na daw. Pakiramdam ko ako si Forrest Gump na inuutusan, Run, Tomai, Run. Paano ako makakatakbo kung ang nakikita ko sa dulo ay bangin na? At dahil sa walang atrasan at hinahabol namin ang hangin, tumakbo ako at nagpakamatay. Haha! Kala ko mamatay na ako, iiyak na sana ako sa kaba, kaso di pumatak ang luha. Sa sobrang lamig sa taas namuo lang to. Natulala ako. Kung di pa ako sinabihan ng sensei na pede na ako kumuha ng picture iisipin ko kaluluwa na lang ako. Oo, dinala ko ang camera ko, Nikon D80. Yan ang tatak ng isang adik. Naka-landing din kami ng maayos. Whew!
At dahil sa takot pa rin akong lumipad, inisip kong subukan naman sa susunod ang skydiving. Malay natin pagkatapos nito, di na ako matatakot sumakay sa eroplano.
Hanggang sa muling pagjajacklord.
08/18/09

sa dinamidami na ng ginawa mo, takot ka pa din sa eroplano huh? :D
ReplyDeleteoo te, naku pag nakita mo ako the night before haha walang tulog talaga :-)
ReplyDeletehihi di ka kasi kinaya ng paramotor taba kasi
ReplyDeletesana nga matry din ang skydiving yihaaaa!!!-bf ski
haha inggit ka lang kasi di ka naka paraglide at parasail
ReplyDeletebwahahaha, aswang ka naman talaga eh,,, itayyyyy,,, itayyyyyy!
ReplyDeletebwahahha aswang ka diyan. itai itai haha adik
ReplyDeletesaan isang paa mo sa pic siguro basa yun noh, wala ng alibi di tulad sa parasailing na binabad muna (kayo lang hmpp).. chrome
ReplyDeletechrome katakot kasi kong 2 paa ang papakita ko haha baka bumaligtad haha
ReplyDeleteparagliding lang ang na-try ko. nung sinabi nilang takbo, tumakbo rin ako pero alam ko tinulak nila ako. pero nag-enjoy ako sa paragliding. feeling ko ako ay isang ibon. kumuha rin ako ng pictures, like the one you posted. hehe :)
ReplyDeletemay bunjee jumping at parasailing ba dito sa japan? :) or sa ibang bansa mo sila na-try?
hi kit, yung para sailing sa thailand ko na try, yung bungee jump dito sa japan :-)
ReplyDeletesarap para glide no? haha