Wednesday, July 29, 2009

Bilad

Naalala ko lang, na tuwing bakasyon, pumupunta kaming magpipinsan sa Iloilo sa bahay ni Lola. Dahil sa medyo malaki ito, at kasya kaming kupkuping lahat. Sa gabi, dahil sa kalumuan nito, para na din siyang haunted house. Pero doon kami namamalagi kasi sa tawid ng kalsada ay dagat na. Buong araw kaming naliligo hanggang isang beses di na kami pinakain ng tanghalian ng aming lola kasi wala naman daw kaming balak umahon. At syempre ang blog na ito ay hindi tungkol sa bakasyon namin kay lola. Panimula lang to.

Umpisa na ng tag-init dito sa Japan. At para salabungin ang pagdating niya, nagplano ang mga adik na pumunta sa paraiso ng Izu isang Sabado ng Hulyo. At dahil sa takot na baka mawala ang sinasabing paraiso, Biyernes pa lang ng gabi pumunta na kami sa bahay ng isa naming kaibigan, si Potpot. Hatinggabi na yata kami nagkita-kita, daig pa namin ang aswang assembly, ang kaibahan lang, di kami lumipad kungdi naglakad kami mula istayon hanggang bahay niya na parang mga kargador sa pier. Walking distance, parang Manila papuntang Bulacan lang. Pagdating namin ng bahay, akala namin nasa loob kami ng ref. Ang lamig kung kaya natulog kami agad ni Kid at yung iba, sina Rance, Kraven at Potpot ay nag-inuman pa, mga sunog-baga.

Alas 5 na nang kaming lahat ay nagising, nagmamadaling maligo para mahabol ang unang tren papuntang kung saan man yun. At kapag sinsuwerte ka naman, unang biyahe, di ka makapasok sa dami ng estudyanteng sumakay. Nakatayo na naman kami, habang bitbit ang mga bagahe. Kargador pa rin kami sa mga oras na yun. Sarap ng pwesto nina Meema, Ramil at M. Galing kasi sila sa kabilang ibayo. Lumipat kami ng tren para makitagpo kay Aleng na galing ng ibang bundok. Sa loob ng tren ipinamahagi ni Potpot ang kanyang kinamay na onigiri. Sobrang sarap lalo na pag walang laman ang tiyan mo. Paano niya ginawa? Tingnan niyo to.

Fast-forward na baka masabihan na naman akong nobela tong blog na to. (TOO LATE daw sabi ni Meema) Sa wakas, nakarating na kami sa istasyon. Sumakay kami ng bus at bumaba nang marinig ko na naman ang walking distance na yan. Kinabahan na ako. At tama nga ang sabi ng crystal ball. Parang Bulacan papuntang Olongapo naman. Lakad lang nang lakad hanggang sa nakikita na namin ang dagat. Buti na lang paakyat na kami nung dumating ang kasama naming nakakotse, sina Katek, Chai, Winnie, Poleng at Chu. Para di nila alam ang hirap na dinanas namin. Pumuwesto na kami agad sa buhangin at natulog. Yun naman talaga ang sadya namin, ang matulog. Syemprrre nagsilabasan na agad ang special offer; sandwich, fried chicken at kung anu-ano pa. At ang mga adik na maniniyot, walang humpay sa pagkuha ng mga litrato at pag-delete.

Matagal na kaming tinatawag ng dagat bago pa namin siya pinagbigyan. Para naman may metaphor din dito. Makulimlim ang panahon at ang tubig dagat ay parang galing sa freezer. Biglang umurong ang mga hindi dapat umurong. Kasi wala naman iuurong pa. Kakaaliw tignan ang mga hapon na nag-susurf at nagtiyatiyaga sa mgaalon na maliliit at pasulpot sulpot. Mga ilang oras din kami sa tubig hanggang sa ginutom na. Inubos ang lahat na andun at natulog ulit. Natrapik sina Ate Mai at nag-aalala siya kung nakakain na ba kami. Ang swit. Habang hinihintay sina Ate, abala naman si Meema sa pagpaliwanag kung ano ang gagawin para sa photowalk event. At nang umpisahan na ang lakad ng mga maniniyot na to, dumating sina Ate Mai. Salamat at magkakaroon kami ng lakas sa pagkuhakuha ng mga larawan.

Dalawang oras din na walang humpay na kuhaan ng litrato para lang makasumi teng dalawa na kailangan ni Meema. Kung sino mananalo diyan, pa-matsuya naman kayo. (May nanalo na ba?) Pero mukhang sa jumpshot naubos ang mga lakas namin. Ilang beses inulit-ulit yun. Gabi na at walang bituin nung sinundo na kami ni Tatang. Dugo ang ilong kapag kausap si tatang, di man lang makapag-english. Dinaan muna kami sa isang mall para bumili ng pagkain at inumin.

Dumating kami sa bahay ni Tatang. Aba, maniniyot din pala siya. Ang ganda ng mga kuha, nakasabit lang sa dingding ang mga kuha niya at isa-isa kaming namangha. Naisip ko tuloy na buksan ko na kaya at ilabas mula sa kahon ang aking printer? Kunwari ipriprint ko din ang mga pics ko. Pero naisip ko rin na ibenta ko na lang kaya ang printer.Hehe.

Paglapag ng mga gamit at katawan sa tatami, isa-isa nang binuksan ang mga pagkain. Sama- sama kaming lahat kumain, akala mo ay last supper na. Napaaga ang Semana Santa. Masaya, kulitan pa din. Yung iba naligo na, yung iba naglaro ng uno, yung iba nakipagwentuhan at yung iba naman ay naningil ng ambagan. At dahil sa may katapusan naman ang bawat araw, pinatay na ang mga ilaw at nangibabaw ang mga hilik na parang lumulubog na Titanic.

Malamang yung mga napanaginipan namin ay ang mga nangyari din nung araw na yun. Gusto niyong mapanood? Ayan, pindutin nyo lang.





Hanggang sa muling pagjajacklord.


07/29/09

PS

Salamat kay Meema sa pag-edit ng tagalog ko :-)

11 comments:

  1. at nakapokus pa talaga ang pwet ko

    ReplyDelete
  2. bwhahaha.. at sino ung naniningil (unsure) :P

    ReplyDelete
  3. @chai, sa yo ba yun? hehehe

    @aleng, di ko kilala, gabi ng naningil e hehe

    ReplyDelete
  4. sa weekend :-) basta di na hang PC mo pag send ko pic sa yo hehe

    ReplyDelete
  5. panalo ka talaga totomai!! ahahahaha naalala ko na naman yang walking distance.. amfpt...

    ReplyDelete
  6. wishing sana mga ka edadan ko kayo, para may escapades din ako na ganyan

    ReplyDelete
  7. ate ade, magkaedad naman tayo a :D sama ka minsan sa amin

    ReplyDelete
  8. waaaaaaaaaaaa

    kakaiinggit,, napuntahan naming bitch,, i mean beach eh puro matatalim na bato,, at puro ipis dagat,,, dami namag magagandang babae jan,, hehehe

    ReplyDelete
  9. hehehe ayos un ipis dagat kakaiba haha dapat macro mo :D

    ReplyDelete

may hibla ka bang iiwan? sige iwan mo naman..