Marso na naman. Ibig sabihin, madagdagan na naman ang edad ng pinakapaborito naming nars. Isang nars na kailanman di kami iniiwan may sakit man o wala. Hanggang ngayon patuloy pa rin kanyang ang pag-aruga sa amin at laging inuuna ang kapakanan ng iba kesa sa sariling pangangailangan. Hindi kilalang tao ang tinutukoy ko, pero para sa amin, siya ang pinakadakilang nars na nakilala namin. Ngayong araw ay magpipitumpung apat na taon na siya. Bata pa ano? Hayaan niyo muna kaming batin siya ng Maligayang Kaarawan, Inay!
Parang kelan lang nung kami ay karga-karga mo pa, ngayon ay mas malaki na kami sa iyo. Dapat lang na mas malaki na kami, mahigit ng tatlumpong taon ang nakalilipas nung kami ay di pa marunong magsuot ng salawal. Minsan nga, kargahin mo kami uli. Naalala ko din na ikaw lagi ang pumupunta sa mga meetings sa paralan kasi mahiyain si Papa.
Isa sa lagi nating pinagtatawanan ngayon tuwing nagsasama-sama tayo sa mesa ay yung lagi mong bilin sa akin na huwag siyado kumain ng baboy kapag nasa Japan ako, pero pag nasa Pinas ako, iba't-ibang putahe ng baboy ang ihinahain mo.
Ngayon kami muna ang magiging nars mo kasi medyo kailangan mong umiwas sa madaming pagkain na nakaka allergy sa iyo. Masarap kumain kaso huwag muna matigas ang ulo. Alam ko naman na masunurin ka kaya hindi na din ako masyadong mag-alala. Pero hayaan mo kaming mag-alala sa iyo. Kung tutuusin kulang pa to sa lahat ng mga nagawa mo sa amin.
Maligayang ika-74 na kaarawan Ma! Bata ka pa! Palangga ka namon!
totomai at dorb
Hanggang sa muling pagjajacklord
03/01/2011
Maligayang kaarawan sa iyong dakilang ina!
ReplyDeletesalamat ng marami :-)
ReplyDeleteHappy Birthday sa iyong mahal na nanay!!sanay may manugang na raw sya sayo bago sya mag 75..heheh--Emer
ReplyDeletehappy birthday sa mama mo mai! magkasing edad cla ng nanay ko bago rin lang nag 74 nanay ko noong january..
ReplyDeleteagree ako kay emer.. kng walang manugang, apo nlang daw dalhin mo hehehen peace kuya...
@emer. next year hintay lang kayo
ReplyDelete@lav belated happy birthday kay nanay :-) mukhang mas madali yan lav... apo muna hehe
nuon c inay ang nagsusuot ng iyong salawal..ngaun iba na hahaha..happy birthday inay-shengpot
ReplyDeletebwahahaha ayos sa hirit
ReplyDeletehappy bday sa nanay mo mai hehe,,, nagsasalawal ka pala nung bata ka lol,,,
ReplyDeleteHappy Birthday to your Mom, Mai. I'm sure you, her boys, are her greatest gift... She's very blessed to have you and you are very blessed to have her! :) Karis
ReplyDelete@Dash, ngayon wala ng salawal haha
ReplyDelete@Karis, aww. thanks. so glad you were able to read my new blogs :-) hope all is well with you and your family. invite ko da bala
happy bday mama we love you tsuppp- ski
ReplyDeleteAww.. iba talaga pag nanay, iba dating ng words.. Maligayang bati po sa inyo inay! :)
ReplyDeletethanks kuya caloy at ate kat
ReplyDeletemaligayang kaarawan po nanay!! naway basbasan pa po kayo ng malusog na pangagatawan..nanay walong putahe na lang po ng isda ang ihain nyo kay totomai! mapalad po kayong nagkaron ng anak na katulad nya.
ReplyDeletemaraming maraming salamat che :-) see you again
ReplyDeletetouched na sana ko. kaso nabastusan ako sa last sentence: "hanggang sa muling pagjajacklord"
ReplyDeletehahaha! peace! sarap ng pulburon ng nanay mo. konting bawas ng asukal, Goldilocks na siya! happy birthday po!
mitch, kayo nag pangalan sa akin ng jacklord e haha kaya ginamit ko na diyan. :-)
ReplyDeletesige sabihan ko sina mama about asukal.
salamat uli :-)
ganda naman! sang ayon ako sa ibang nagkomento, mag-asawa ka na. tingnan mo 'ko. =)
ReplyDelete