Tuesday, April 26, 2011

Biyahe

Simula bukas (Abril 27), mayroon akong sariling bersiyon ng AMAZING RACE. Punta ako sa Korea bukas ng umaga (Miyerkules), balik sa Japan sa Biyernes ng gabi. Impake sa Sabado para sa biyahe papuntang Amerika sa Linggo. Ihi lang ang pahinga (may salo-salo pa sa Sabado, magluluto ako ng adobo).

Karamihan ng mga nasa Japan ay nagplaplano ng mga gagawin nila sa Golden Week samantalang ako naman ay naatasang magtrabaho sa ibang bansa. Di na din ako makareklamo kasi bayad naman. Sana nga lang di ko ipambabayad sa ospital ang mga kikitain ko pagkatapos ng biyaheng ito.

travel

Masarap na nakakatakot bumiyahe. Masarap kasi madami kang lugar na mapupuntahan at makikita. At kung may libreng oras, maliban sa pagtratrabaho, makakag-picture picture ka sa kung saan-saan at kung ano-ano. Kaso, medyo takot lang ako sumakay sa eroplano. Sabihin na natin na lagi akong bumabiyahe pero iba pa rin lagi ang aking nararamdaman tuwing nasa himpapawid na. Ayaw na ayaw kong madinig ang boses ng piloto na nagbibigay ng babala na may inaasahang "turbulence". Kaya madalas ako na hindi natutulog bago lumipad para nasa kahimbingan tuwing biyahe. Pero kadalasan, akala ko mahaba na tulog ko, yun pala di pa nakakaalis ang eroplano. Wala rin. Isa ding nakakatakot ay yung pagharap sa mga kliyente, kaya maliban sa mga sagot sa katanungan nila, nakahanda na ang aking mga ngiti kapag hindi ko alam ang isasagot.

Pangatlong beses ko na ko na to sa Korea ngayong taon. Abril pa lang at mukhang madadagdagan pa. Parang kambal ng Japan lang ang Korea at hindi masyado pagod sa biyahe kaya okay lang. Sa USA naman, pangalawang beses ko na to. Yung mahirap lang siguro ay yung palipat palipat ng state. Siyempre madami din kasing dalang gamit. Pero sabi nga nila, bahala na si Batman. Tatlong linggo ako sa USA at mukhang dudugo ilong ko nito sa pakikipag englishan sa mga makakasalamuha.

Sabi ng amo ko, baka raw umabot pa sa apat na linggo ang aking biyahe kung kinakailangan. Basta ba libre laba. Ayaw kong namang makita ko na lang na lumalakad ang aking mga briefs.

Iigsian ko na lang muna to, mag iimpake pa ako.

Hanggang sa muling pagjajacklord.

totomai
04/26/11

4 comments:

may hibla ka bang iiwan? sige iwan mo naman..