Malalagasan na naman ng isang hibla ang aming opisina. Mukhang mabilisang nauubos ang mga Pinoy dito. Siyempre, kaniya kaniyang dahilan at diskarte sa buhay iyan. Akala tuloy ng mga bossing namin dito na takot na takot na kami sa radiation at walang katapusang pag-uga sa bansang Hapon. Kayo na lang humula sa mga rason kung bakit umaalis ang iba dito, mahirap na may makabasang mga hapon at i-google translate. Isa pa, ka-facebook ko yung bossing ko.
Naranasan ko din siyempre ang mag-resign sa isang kompanya. Inuunahan ko lagi bago ako ang alisin nila. Mahirap na mawalan ng benepisyo. Iyan ang kadalasan kong gawin nung nasa Pilipinas pa ako. Ngayong OFW na ako, may mga pagkakataong na gusto ko pa manatiling magtrabaho para sa isang kompanya pero wala na akong nagagawa kasi di na ni-renew ang kontrata ko. Malamang di nila gusto ang pagtratrabaho ko o di kaya masyadong malaki sahod ko (pampalubag-loob lang yan). Bilang OFW, ang magiging pamilya mo ay ang mga kapwa Pilipino mo rin. Kasama mo sa kalokohan, lasingan at kung anu-ano pa. Kaya mahirap din ang pamamaalam. Akala niyo lang madali, pero hindi, hindi. Kaya dati, bawat pag alis ko, nagpapapirma ako ng tseke, este, damit para man lang maalala ko sila kunwari.

Mukhang napahaba na naman ang kuwento ko. Ang totoong rason kung bakit napasulat ako ay para kay Shengpot. Para sa iyo ang huling bahagi ng pahinang ito bilang pasasalamat sa mga hinahain mong almusal, tanghalian at hapunan lalo na kapag Sabado at Linggo. Isa kang bayani. Pwede ka ng gawan ng rebulto sa park ng Nirenokidai. Sana matupad na ang matagal mo ng pinapangarap, ang pagpasok sa kumbento.
Siyempre kahit nakita mo na to, play mo lang ulit. Nagpapakahirap ako magtagalog tapos ang background ng musika para sa iyong bidyo ay English.
Kita-kits uli sa Pilipinas at huwag kalimutan panoorin ang pelikulang dapat mong panoorin. Hayaan mo, malay mo, papasa kami lahat ng resume sa iyo. Kumikitang kabuhayan ka bigla.
Hanggang sa muling pagjajacklord.
Hanggang sa muling pagjajacklord.
totomai
08/11/11
naks, iyak c mai..ingat she...God bless ^_^ - ai
ReplyDeletehaha oo kasi wala ng magluluto sa akin haha
ReplyDeletesalamat s mga gabing maiinit na pinagsaluhan nten mai!..hihi..salamat at sunod ka n din soon haha..wag ka magalala manonood kmi ng movie mo..hehehe..mwah..
ReplyDeletesalamat s mga gabing maiinit na pinagsaluhan nten mai!..hihi..salamat at sunod ka n din soon haha..wag ka magalala manonood kmi ng movie mo..hehehe..mwah..
ReplyDelete- she
dapat lang manood kayo haha. ingat.
ReplyDelete