Sunday, June 17, 2012

Tipon

At dahil sa pinaalala ng aking dating kaklase ang pahinang ito, ginanahan tuloy akong buksan uli ang nalalabing hibla. Hindi na baleng mali-mali ang tagalog basta maisulat ko agad ang mga naganap bago pa maging alamat ang lahat. 

Noong nakaraang taon, nagplano na kaming dating magkaklase nung high school na magmakita-kita dito sa Tokyo ngunit dahil sa trahedyang nangyari noong Marso 11, nakalimutan na ang plano. Matatagal na kami sa Japan ayon sa Facebook pero kailanman hindi pa din namin nakita ang mga anino ng isa't-isa, hanggang profile pic lang 

Isang araw habang naghihikab ako sa trabaho, naisipan ko silang kamustahin uli at kung kelan ba ang mga bakanteng araw nila para maisakatuparan na ang matagal ng minimithing reunion. Malamang noong araw na yun, wala rin silang ginagawa kasi ang bibilis sumagot. Walang nagdalawang isip at naitakda agad ang araw ng pagtutuos.  

Hunyo 16, 2012. Malakas ang buhos ng ulan at mukhang walang nagawa ang mga inalay na itlog para lang sumikat ang araw. Dumating ang lahat sa Tokyo hindi sa lugar na pinagkasunduan. Pero dahil sa lahat ay may load ang cellular phone, ambils lang ng mga message na, "where you, here na me".

  reunion2012 

Pagkatapos ng mabilisang kumustahan, inumpisahan na ang lakaran, takbuhan, picturan, inuman at kainan. Nakalimutan ang red bull dahil sa katandaan. Hindi nauubusan ang lahat ng kuwento, at halos lahat inalala ang mga naganap nung mga panahong di pa kumpleto ang mga buhok namin. 

Madami-dami din kaming napuntahan. Mga tatlo. Mas madami pang restoran ang aming pinasukan kesa sa lugar na ginalaan. At siyempre, makalimutan ba ang mga OFW pose na ang background ay dagat o tulay? Siyempre hindi. Madami pa sana akong ikukuwento, kaso naisip ko na blog pala ito at hindi encyclopedia.

Sadyang mabilis nga ang oras kung kayo ay masaya. At wala ng pera. Parang kaka-"hi" lang, magbaba-"bye" na agad. Pero ganun talaga lalo na kung sa bundok lahat nakatira.  Hindi dapat maabutan ng dilim sa daan. Tingnan ko muna ang mga larawan at baka meron puwedeng ibenta. Maraming salamat sa isang mabasang pagtitipon. Parang cheering lang dati na wet look.

Kitakits sa sunod.

Jo-jollibee kami.. Jo-join kayo? Ja-janay lang a! 

Hanggang sa muling pagjajacklord.

totomai
06/17/12

6 comments:

  1. nice... namiss ko tuloy ang japan a... post na pics nu mai.

    ReplyDelete
  2. wow! pa jollibee-jollibee na lang.. at teka.. di ba dapat mas kumpleto ang buhok ninyo noon kesa ngayon?? peace totomai!!

    ReplyDelete

may hibla ka bang iiwan? sige iwan mo naman..