Lahat tayo ay may anking superpowers. Oo, lahat tayo, ibig sabihin kasama na ikaw at ako. Pasulpot-sulpot ‘tong mala-Flash at mala-Superman nating katangian. Minsa’y mala-Werewolf at mala-Invisible Man pa. Wala tayong kalaban-laban pag tinatawag na tayo ng ating pinuno --- ang pinunong kubeta.
Madaling masira ang tiyan ko kaya maingat ako sa pagkaing kinakain ko. Nung nag-aaral pa lang ako, umaabot ng dalawang pahina ang aking health record card sa eskuwelahan kada taon at laging stomach ache ang sanhi. At di pa nagtapos dun. Bawat taon ay naoospital ako dahil sa matinding pagdudumi. Minsan, sa takot at sawa na sa ospital, sinasarili ko na lang ang nararamdaman ko hanggang sa hinimatay ako ng isang beses sa sobrang pagbabawas.
Madaming beses na akong nag-ala Superman lalo na sa mga biglaang pagkaramdam ng sakit ng tiyan. Naalala ko pa nung nagbabayad ako ng bill ng telepono. Mga 30 minutos na pila ko nung biglang sumakit ang tiyan ko. Ang laki ng pawis. Lumabas ako ng PLDT, nagpara ng taxi at nagdasal sa abutin pa ng bahay. Biglang bukas ang apat na pinto halos sabay sabay sa pagmamadali kong makareport sa pinuno. Kakaibang ginhawa kaagad.
Sa Pinas, suki ako ng Shangrila Edsa. Sa layo ba naman ng Antipolo at matrapik pa, minsan sa labas na ako kumakain. Sa halagang 10 pesos, meron ng tissue at malinis pa ang banyo. Sigurado ka pang ma flush ang kubeta pagkatapos gamitin. Hirap sa Pinas maalangan. Alam niyo na siguro ang ibig kong sabihin. Kaya nagulat din ako nung tumigil ako ng isang taon sa Thailand , kadalasan ng kanilang kubeta ay may water spray at kung wala man ,may tissue. Pero iba pa din ang kubeta ng Japan . Pati na din sa Korea.
Sabi nga ni Roger Federer (di ko na matandaan kung san ko nabasa), para daw siyang nasa spaceship pag nakaupo sa kubeta ng Japan . Sa dami ba naman ng pipindutin kulang na lang ang salitang Ready for Take Off at ikaw ay nasa kalawakan na. Pero syempre dapat alam mo din ang mga pinipindot mo, kung di mo mabasa ang Nihonggo, at lala na kung walang larawan, pakiramdamanan na lang. Ayos din minsan yung may blower na nakasama, hinihipan na ang puwet mo pagkatapos. Baka sa sunod may polbo na rin.
Pero di naman lahat ng kubeta dito ay malinis na malinis. Alam ko yun kasi sa haba ng biyahe ko araw araw, may mga pagkakataong kailangan kung magreport kay pinuno. Kaya alam ko na ang mga maganda at medyo ok na kubeta kada istasyon. Pero kahit medyo madumi sigurado pa ring may tissue paper sa loob. At kadalasan, lalo na sa umaga, box-office hit lagi ang pila. Nakikipila din ako paminsan-minsan. Pero mabibilis lang gumamit ang mga hapon, wala pang 2 minuto tapos na. Ito lang yata ang nakuha kong ugali sa kanila. Haha! Pero kahit saan ka mang bansa, isa lang ang natutunan ko sa paggamit ng kubetang pampubliko.
Hanggang sa muling pagjajacklord.

Huwag buksan ang kubetang nakatakip, baka may laman kang masisilip
Hanggang sa muling pagjajacklord.
07/24/09
may drugs-drugs din sa kubeta?hehehe
ReplyDeletemeron mer. lagi haha. loko. haha :D
ReplyDeletebwahahahahaha.. si toy kubeta ka pala LOL
ReplyDeleteang dami na a. boy kubeta, boy tulog haha. uy asan na ang jumajacklord na pic ko haha
ReplyDeletemabuhay si pinuno!! sa totoo lang.. dito lang ako sa japan gumagamit ng public toilet kung ako ay dudumi.. napaka safe kasi dito eh.. saka kahit sabihin mong public toilet.. malinis pa rin kahit papaano.. di tulad sa pinas.. no comment na nga lang.. so totomai.. may dala ka laging imodium o diatabs? hehehehe
ReplyDeletesiguro katatapos mo lang mag-ano dyan noh....
ReplyDelete...magbawas. (LOL)
pot, nung sa pinas lagi akong may imodium pero dito wala na kasi pedeng strike anywhere haha
ReplyDelete@lala, oo katatapos ko lang diyan haha alam na alam mo a
totomaipurorot!!!!
ReplyDeletehaha lekat di ko alam kung sino ka. hehe
ReplyDeleteUy, ako din suki dati sa Edsa Shang toilet. Maluwalhati mong mailalabas ang lahat ng sama ng loob.. hahhahha. With matching Marks and Spencer lotion pa after hand wash.
ReplyDeleteI like this post.. kakarelate! hahha..
haha. oo maluwalhati. walang distorbo. pero hanggang 9 pm lang haha mahirap na masarhan :D thanks kung sino ka man haha
ReplyDeletelol ~ nakuwento mo na sa akin iyan eh ~~ pero iba ang dating nito pag blog na lalo na with matching scandalous shot
ReplyDelete@ate ade, haha wholesome nga yang pic na yan e hehe
ReplyDeletemaswerte ka lagi kang tintawag ni pinuno..
ReplyDeletekakainggit ka....ako bihira...sa isang linggo 2x lang....minsan hindi pa...hehehe di mabuti na lang may friendship na kong ducolax. malakas sya kay pinuno..pag ginamit ko sya...kinabukasan pinatatawag na ko ni pinuno...
naku mahirap nga yan, pero parang safe ka lagi sa biyahe hehe ako hindi. minsan praning haha lalo na pag nasa eroplano hehehe
ReplyDeleteagree! kahit mag drugs,, i mean kahit saan ka dapuan ng tawag ng pinuno, asahan mong me kubetang malinis para sau, hehehe,, di nga lang comfortable kapag tissue lang masarap pa rin ang pakiramdam na me umaagaos na tubig sa iyong puwitan pagkatapos magpalaglag,,,,
ReplyDeletebilib ako sa salawikaing un mai, orihinal talaga
haha adik kahit drugs drugs sa train station haha
ReplyDelete:-) dedicate sa kubeta ng thailand ang salawikaing yan haha