Tuesday, July 14, 2009

Tulog

Toto-log ka na naman. Yan ang madalas ihirit ng aking inay at mga kaibigan. Huwag daw akong tulog ng tulog at baka di na ako magising. Aba’y walang pakialamanan.

Nung nag-aaral pa ako, sigaw ni Mama ang aking alarm clock. Walang binatbat ang mga alarm clock sa kanya. Pero dahil alam niya naman na puyat ako sa pag-aaral kunwari, may halong lambing ang kanyang pagsigaw sabay tanong kung ano ang gusto kong almusal. At siyempre dahil sa likas na tamad na talaga ako simula ng pinanganak, breakfast-in-bed lagi yun. Isang tinapay lang naman. Kung hindi Spanish roll, pan de coco ang madalas kung ialmusal. Dahil sa kasarapan ng tulog, akala ko minsan na nakakain ko ang tinapay, nalalaman ko na lang na hindi pala kapag nilalanggam na ang ilalim ng kama. Kayang-kaya ko pagpalit ang kain sa tulog kaya’t kasing payat ko si Rene Requestas habang nag-aaral. Narasanan ko na ding batuhin ng chalk ng aking guro kasi natutulog ako sa klase niya.

dreams

Nung lumuwas ako ng Manila para kumuha ng board exams at maghanap ng trabaho, bumili na ako ng sariling alarm clock (wala pa akong cellphone nun). Alam kung walang gigising sa akin kahit kasama ko pa ang mga kaklase ko. Di naman kaila sa atin na sikat ang Manila kung walang tubig ang pag-usapan. Isang beses, binuksan namin ang gripo sa banyo para kung sakaling magkaroon ng tubig para may reserba na kami kung sakaling mawalan na naman kami ng tubig. Kadalasan sa sala kami natutulog kasi mas malamig kahit na parang nasa evacuation center kami. Akala ko ay nanaginip lang ako na lumalangoy ng madinig ko ang tawanan ng aking mga kasamahan. Umapaw na pala ang tubig mula sa banyo at umabot sa sala. Bigla kaming nag general cleaning at kahit wala pa sa ulirat nagmamadaling ayusin ang unit namin.

Mas tumindi ang katawakan ko sa pagtulog ng nagtrabaho na ako sa Japan. Nakakatulog na ako kahit nakatayo sa tren. Di ko alam kung sadyang kulang ako sa tulog o dahil sa bumabata lang ako. Kumakailan lang ay di ko na nararamdaman ang salitang sigaw ng tatlo kung alarm clock kung kaya’t naisipan kong bumili ng panibagong alarm clock. Malaki, nakakabingi at may parang disco lights pa. Isip isip ko semento na lang ang di makakadinig dito. Aba, nasobrahan yata sa pagiging epektibo, nauuna pa akong gumising bago siya tumunog. Marahil dala ito sa hiya, hiya na madinig ng kapitbahay ang nakakaistorbong tunog at bigla akong ireklamo sa opisina namin. Mahirap ng madagdagan pa ng isang memo.

Ganunpaman, masarap pa din matulog. Pero sana nama’y huwag ang tulog na walang katapusan.

O siya, sayang ang oras, toto-log na ako uli.

Hanggang sa muling pagjajacklord.

07/14/09

13 comments:

  1. bf namiss ko na ang toto-log natin sa Banchang-ski

    ReplyDelete
  2. bwhaahahahaha oo syempre naman, sarap sa banchang e

    ReplyDelete
  3. bwahahaha.. attorney jr. antuking totomai :P

    ReplyDelete
  4. bwahahaha oo jr nya ako kasi mas bata ako sobra haha

    ReplyDelete
  5. haha, nice toamai.another of your masterpiece..yes, eversince na nakilala kita, si Mr. Tulog ka na nga..

    mamang

    ReplyDelete
  6. aba sensored to na tulogan ah... hehehe

    ReplyDelete
  7. @mamang, musta na Singapore mang? Bisan sang college ta tulog ko sa lamesa sa ChEM Lab kung break time.

    @lav, mag blog na din kayo. Hehe. Kunwari lang censored pero may suot yan. Musta Thailand?

    ReplyDelete
  8. at ng papunta tayo sa bhaws mo galing club manila east, tulo laway ka na sa jeep at gagawin mo pang unan ung katabi mo, buti na lang naamoy mo na ung unan mo sa bhaws mo nung malapit na tayo at nagising ka ayun nakababa tayo. pero poging pogi ka pa rin kahit nag bunjee jumping na laway mo sa bibig mo,

    ninong regalo ha

    ReplyDelete
  9. wee, kelan un? haha di ko na maalala yun.

    ayos ninong, picture nyo lang regalo ko sa inyo para maiba naman haha

    ReplyDelete
  10. masarap talaga ang pagtulog.... kaakibat sa paglaki.. hehehehe... nasanay ka lang sa alarm clock mo... buti nakabili ka na ng bago...

    ReplyDelete
  11. para naman akong zombie pot kasi aga syado nagigising hehe

    ReplyDelete
  12. hello ~ na i post mo na ba iyan doon sa your hottest picture?

    ReplyDelete
  13. haha balak ko sana te baka magulat sila haha

    ReplyDelete

may hibla ka bang iiwan? sige iwan mo naman..